Home » Lifestyle » Nursing Stories » And Your Final Diagnosis Is…

And Your Final Diagnosis Is…

Sisimulan ko ang kwento ng aking munting website sa aking napiling propesyon. Ako ngayon ay tambay POGI , palamunin, pensyonado at parasite sa lipunan. In short walang regular na trabaho.

And-your-final-diagnosis-is

Hanggang sa isang araw, nag text ang isa sa mga colleague ko at tinanong nya kung pwede ba daw akong magbenta ng shabu este kung pwede ba daw akong magrelieve as medical secretary sa isang clinic. Siyempre nag peso sign ang mata ko at agad na napa “OO”. Easy to get din ako minsan eh.

Sa ngayon siguro may 50 days na kong nakakaduty dun ng paputol-putol. Part time job talagang matuturing. Sa bawat araw na pag duty ko dun nakakakilala ako ng higit sa 40 na pasyente at dahil dun natutunan ko silang obserbahan. Iba’t iba din pala ang klase nila at uri.Ito ang ilan sa kanila:

THE TALKER

Sila yung mga pasyente na parang pipi dati at ngayon lang ulit bumalik ang boses. Parang armalite ang bibig nila at hindi sila nauubusan ng kwento. Free flowing naman ang conversation.Yun nga lang siya lagi ang bida.

Ako: Ano pong papacheck up nay?

Patient: Inuubo kasi ako.Sabi ko nga sa anak ko wag na kong mgpacheck up siya itong mapilit. Pagtapos ko nga dito pupunta na ko ng palengke
para bumili ng sangkap ng sinigang. Paborito kasi yun ng anak ko.

Ako: (use of silence) ….

Gusto ko sana siyang singilin nang tong , kanina pa kasi Bangka nang bangka.

ANG MGA LUTANG

Sila yung mga pasyente na walang matinong sagot sa isang matinong tanong.

Interview portion with the patient

Ako: Pangalan po?

Patient: ko?

Ako: (hinde!hinde! pangalan ko.ako ang papacheck up eh =D). OPO

Patient: mariLU TANG

Ako: Ano pong papacheck up ninyo?

Patient: oo.Papacheckup

Ako: ano nga pong papacheck up nyo?

Patient: Lagnat.

Ako: ILANG ARAW na po kayo nilalagnat?

Patient: Matagal na….

Ako: ……

Patient: Bakit pala wala yung medical secretary nila ngayon?

Ako: Absent po kasi siya.

PAK.!! Nakabawi din. Bwahahaha

THE LINGUIST

Ito yung mga pasyenteng may kakaibang language na gamit. Mali ka! Hindi gay language ang pinakakawalan nilang litanya. Malupit pa dun.

Ako: ano pong papacheck up?

Patient: Cheese Pen.

Ako: ????? ano po ulit?

Patient: (humawak sa dibdib) Cheese pen nga lalo na pag-naubo.

Ako: (walang reaksyon pero ang totoo gusto ko nang mag ROTFL)

Sana sinabi nya na lang na masaket ang debdeb niya lalo na pag na-obo di sana gets ko na agad.

THE EMOTERO/EMOTERA

Akala ko ako lang ang emotero pero madami pa palang miyembro ng grupo kahit mga senior citizen.

Ako: hintayin lang po natin yung resulta ng urinalysis nyo.

Patient: ah ok sige. Hirap talaga pag tumatanda na. Naglalabasan na ang sakit.Ikaw ba ilang taon ka na?

Ako: 21 po, mag bebente dos.

Patient: ah kasing edad mo yung anak ko.

Ako: (tumango)

Patient: para kang yung anak ko. (sabay tingin sa malayo na parang nagrereminisce with teary eyes)

Music on cue: Its not time to make a change just relax take it easy your still young that’s your fault…………

Di na ko nagtangka pang magtanong pa. Baka bumaha ng luha sa clinic at maipadala ko pa ang istorya niya sa MMK.

THE THANKS GIVER

Sila yung bawat gawin mo magpapasalamat.Paulit-ulit ,Paulit-ulit , Paulit-ulit. Ang sarap sa tenga nung mga salitang yun pero ang mga sumunod na pangyayari ang mas masarap sa bulsa este sa puso pala.

Kakatapos lang nila magpacheck up , lumapit yung P.A. ng pasyente sakin kinamayan ako (tatakbo ka teh?)

P.A.: Salamat ha.

Ako: ok po.

Nagulat ako kasi may kalakip na pera yung kamay nya (bente pesos). Na touch ako hindi dahil sa amount pero dahil sa appreciation niya.Nakakaantig ng puso.

Teka ang arte ko na. Di bagay. Goose bumps.

Palabas na sila ng clinic at hinabol ko sila.

Ako: Ate oh. Di po ako tumatanggap nyan.

P.A: bakit?

Ako: Kasi po, hindi ako mahilig sa kulay orange . Blue or yellow po favorite color ko. (syempre sa isip ko lang yon)

Ako: (nginitian ko lang sila ng matamis) DIABETIC SMILE =))

Ako: ok lang po un. Godbless po and keepsafe.Textback asap.

Ibang level ang kabanalan ko nang mga oras na yon. Naramdaman ko yumanig ang lupa at bumuka ang semento nakita ko ang guardian devil ko na naka dirty finger sakin.Papatulan ko na sana pero inawat ako ng guardian angel ko at binigyan ng full body massage with valium , dahil don agad agad nya akong napakalma.

Ang journey ko sa clinic ay magpapatuloy …ewan ko lang kung kelan ang susunod……

About the Author

Bagotilyo is the author of the blog Bagotilyo – Your Online Superhero where writes his antics as a nurse as well as his inspiring literary works.  
  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100000041417850 Sarah Kathleen Ilag

    hahaha nice so true :)

  • jennyRN

    nakakatuwa nman yang kwento mo..
    lalo na ung “cheese pen”.. hahaha.. pati ako napa “ha? ano daw un?”
    un pla “chest pain” ang ibig niyang sabihin.. hahaha.. XD

    • http://www.facebook.com/yahjme05 Moises John Bilang

      haha … oo nga eh . lintik na cheese pen yun .. lol

  • Studenurse

    Natuwa ako. hehehehehe nakakatawa, nakakarelate kasi ako, na assign kami sa OPD, at marami nga talagang nakakatawang pangyayari!

    • http://www.facebook.com/yahjme05 Moises John Bilang

      salamat naman at natuwa ka ..wehhehe … ansaya din sa OPD minsan ..lol

  • jennica

    naaliw ako ! ganda =))

    • http://www.facebook.com/yahjme05 Moises John Bilang

      thanks po ^___^

Scroll To Top